Ang Isyu Ng Eutanesya
Ang isyu ng eutanesya
Ang euthanasia ay binibigyang kahulugan bilang ang pagkitil ng buhay ng isa dahil sa malalang sakit o pinsala sa katawan upang tapusin ang pagdurusa.
Mayroong magkaibang mga pananaw tungkol dito. Ang ilang pasyente ay humihiling nang tapusin ang kanilang paghihirap at nangangahulugan ito para sa mga kapamilya o kaanak na tapusin na ito sa pamamagitan ng hindi na pagsustine sa kaniya ng anumang medical treatment. Kinikilala sa posisyong ito ang karapatan ng isa na magpasya.
Ngunit ang ilang awtoridad naman ay hindi sang-ayon dito yamang pinanghahawakan nila ang moral na pananagutan tungkol sa kung sino talaga ang may karapatan na mag-alis ng buhay. Para sa kanila, tanging ang Diyos lamang ang nagtataglay nito at anumang gawin ng tao upang kitlin ang sariling buhay o ng iba ay isang seryoso at mabigat na pagkakasala.
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito?
Ang Bibliya, na siyang ibinigay ng Diyos bilang saligan ng batas ukol sa isyu moral, ay hindi nagbibigay ng espisipikong detalye tugkol sa euthanasia. Pero balanse ito may kinalaman sa buhay at kamatayan.
Yamang Siya ang pinagmulan nito, nais Niya na protektahan natin ang atin mismong buhay o ng iba. Ang anumang dahilan ng kamatayan ay talagang hindi katanggap-tanggap at hinahatulan ng Bibliya. Ngunit hindi nito hinihiling ang anumang pagpapahaba ng buhay sa panahon ng di na mapipigilang kamatayan.
Sa kabaligtaran, ipinakikita ng Bibliya ang malapit nang pag-asa na tatamasahin ng mga tao- ang pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid. Ito ay sa kalagayang wala ng kamatayan sa lupang paraiso. Makikita ito mismo sa ilang talata sa Bibliya gaya ng sa:
Gawa 24:15 At umaasa ako, gaya rin ng mga taong ito, na bubuhaying muli ng Diyos ang mga matuwid at di-matuwid.
Awit 37: 29 Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, At titira sila roon magpakailanman.
Apocalipsis 21:4 At papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.
Suriin ng higit ang nilalaman ng Bibliya at tiyak na magbibigay ng tunay na kahulugan ng pag-alis ng pagdurusa hindi sa isyu ng euthanasia.
Comments
Post a Comment