Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng layunin sa buhay? Layunin sa Buhay Kahalagahan Ang pagkakaroon ng layunin sa buhay ay nagbibigay sa atin ng direksyon. Nalalaman natin ang ating tunguhin at mga pangarap. Nagsisilbi itong lakas na siyang nagtutulak sa atin upang magsikap at gumawa ng mabuti. Ito ay parang misyon na dapat nating gampanan sa ating buhay. Habang bata pa, maigi na magkaroon ng mabuting layunin. Ang layunin sa buhay ay nagsisilbi rin nating inpirasyon upang patuloy na magsikap. Halimbawa, kung gusto nating tulungan ang ating pamilya, tayo ay nag-aaral nang maayos. Kung gusto nating makaangat mula sa kahirapan, hahanap tayo ng trabaho na magbibigay sa atin ng mabuting kita. Mga halimbawa Narito ang ilan sa mga halimbawa ng layunin sa buhay ng isang tao: Maging isang mabuting nilalang Maging isang pangulo Maglingkod sa mga mamamayan Maging sundalo, doktor, guro, abogado, at iba pa Maging mayaman at mabili ang gusto Maging masaya Sumangguni sa sumus...